DAGUPAN CITY- Nakakatiliang iflation bilang isa sa mga pinaka-pangunahing kinahaharap ngayong problema ng mga sambayanang Pilipino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, inihayag niyang batay sa mga survey, nananatiling pangunahing problema ng mga Pilipino ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation.

Aniya, sa kabila ng mga ulat ukol sa paglago ng ekonomiya, hindi pa rin nararamdaman ng karaniwang mamamayan ang tunay na pag-unlad, lalo na sa sektor ng agrikultura.

--Ads--

Dagdag pa niya, tila hinayaan ng mga kinauukulan na bumagsak ang nasabing sektor, kaya’t lalong nagiging mahirap para sa mga Pilipino na makabili ng abot-kayang pagkain sa araw-araw.

Binatikos rin ni Africa ang kawalan ng konkretong aksyon ng mga namumuno upang tugunan ang ugat ng problema.