DAGUPAN CITY- Pagpapababa ng kaso ng Health Care Associated Infection ay hindi lamang responsibilidad ng mga health workers kundi pati rin ng mga pasyente at bantay nila.

Ayon kay Ms. Bernadette Flor Rimando isa sa Core Member, Infection Prevention Control Commitee ng Ilocos Training and Regional Medical Center, marami na silang ginagawa para makaiwas at mapababa ang kaso nito gaya sa mga health workers kung saan nagkakaroon na sila ng surveillance bago pa umuwi ang mga pasyente kung saan may scheduling sila sa pagrarounds sa mga wards para makita ang mga pasyenteng nakadevice o mga post operative o naoperahan, kabilang din ang HAI Trainings na ginagawa nila annually na tinututukan ang skills at kaalaman nila para sa nasabing impeksiyon.

Habang sa mga pasyente at bantay naman ay orientation upang alam din nila ang kanilang ginagawa sa pag-iwas dito.

--Ads--

Kaugnay nito may mga project silang ipinapatupad dito gaya ng WASH o we appreciate you ask for safe hands kung saan gagawin ng pasyente na paalalahanan ang mga health workers na maghugas muna ng kamay kung may gagawen sa mga aparato o devices sa mga ito para malinis at walang mikrobyo na mailagay dito.

Habang sa mga non devices gaya ng Surgical Site Infection naman ay may project sila na tinatawag na PAPPSSSI o “Patients As Partners in the Prevention and Surveillance in a Surgical Site Infection” kung saan may mga brochure sila na binibigay sa mga pasyente na naoperahan para malaman ang gagawin sa kanilang sugat at nakalagay din dito ang mga contact number nila at iba pang social media account na maaring matawagan ng mga pasyente o bantay nila.