Niyanig ng Magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan nito lamang hapon.

Naitala ang epicenter ng tectonic na lindol na naramdaman bandang 2:56 kanina, sa bayan ng Infanta.

Naramdaman ang Intensity III sa bayan ng Laoac at dito lungsod ng Dagupan.

--Ads--

Intensity IV naman sa Alaminos City.

Hindi inaasahan na magdudulot ng anumang pinsala ang lindol o maging ng aftershocks.