Nahuli ng PNP-Anti Cybercrime Group Pangasinan Provincial Response Team katuwang ang PNP Dagupan at PNP Calasiao sa magkahiwalay na entrapment operation ang dalawang indibidwal na suspek sa magkaibang kaso ng cyber related crime dito sa pangasinan.

Ayon kay Plt. Sharmaine Jassie Labrado ang team leader ng nasabing opisina na ang mga kasong ito kinabibilangan ng illegal na pagbebenta online ng mga rehistradong sim cards at prohibited medicine na ginagamit para sa abortion.

Aniya na matagumpay nilang nahuli ang dalawanag babae na may edada 29 at 27 na suspek sa nasabing kaso kung saan ang naunang entrapment ay isinagawa sa bayan ng Calasiao na may nakumpiskang nasa 500 piraso ng registered sim cards at nahaharap na sa kasong RA no. 11934 o mas kilala bilang subscriber identity module (sim) registration act habang ang isa naman ay nahuli sa lungsod ng Dagupan kung saan nakumpiska ang isang banig ng cytotic misoprotol tablets at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9711 o mas kilala bilang food and drug administration act of 2009 na parehong kabilang sa section 6 ng RA 10175 o Cybercrime prevention act of 2012.

--Ads--

Dagdag pa nito na hindi tumitigil ang kanilang opisina sa pag-iimbestiga sa mga nabanggit na kaso upang malaman kung may mga kasama pa ang mga ito dahil ang mga ganitong gawain ay malaki ang nagiging ambag sa paglaganap ng mga cyber related crime lalo na sa paggamit ng mga rehistradong mga sim cards sa iba’t ibang uri ng scams kaya ito ang kanilang binibigyang pansin.