Laking pasasalamat at tuwa ng hanay ng kapulisan dahil sa pagbaba ng mga index crime incidents dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa isinagawang KBP Forum, nabatid mula kay PLt./Col. Norman Florentino, Deputy Provincial Director for Administration ng Pangasinan PPO, naitala ang kabuuang bilang na 10, 522 index crime sa nakalipas na taon na kinabibilangan ng murder, homicide, rape, physical injury, robbery, theft, motornapping at carnapping.

Kung ikukumpara ito noong nakalipas na taong 2018, nakapagtala ng 10,816 na index crime incidents with the variance of 293 at katumbas ng 25. 83%. Lahat aniya ng mga focused crime ay bumaba maliban lamang sa homicide na parehong nakapagtala ng 38 bilang noong 2018 hanggang 2019..

--Ads--

Naitala naman ang 137 na bilang ng kasong murder noong taong 2018, samantalang sa 2019, 108 ang naitala kung saan napababa ng 21.17%. Pagdating naman aniya sa kasong physical injury noong 2018 ay nakapagtala ng 442 habang pagpasok ng 2019, bumaba ito sa bilang na 360 with the variance of 18.25%.

Sa kasong robbery naman, naitala ang 226 na bilang noong 2018 habang 154 naman sa 2019 kung saan bumaba ito ng 72 o 31.86%. 689 ang naitalang bilang sa kaso ng Theft noong taong 2018 habang 416 naman noong 2019 at napababa ng 150 o katumbas ng 65%.

Bumaba rin ayon kay Florentino ang kaso ng carnapping kung saan noong 2018, nakapagtala ng 9 habang 4 naman noong 2019. Sa motornapping naman, 2018 ay naitala ang bilang na 114 habang 64 lang noong 2019.

Pagdating naman aniya sa kasong frustrated and attempted index crime, naitala ang 295 noong 2018 habang 247 noong 2019 kung saan ito’y bumaba ng 48 o katumbas ng 16.27%.