Patuloy na nananatiling malakas ang bagyong “Inday” habang kumikilos ito sa kanlurang direksyon sa Philippine Sea, silangan ng Hilagang Luzon.
Ayon sa state weather bureau, ang sentro ng mata ng bagyo ay tinatayang nasa 1,070 kilometro silangan-hilagang silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 240 kilometro kada oras, habang kumikilos sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Itinaas ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon kabilang ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Isabela, at ilang bayan sa Aurora, Catanduanes, Quirino, Ifugao, Ilocos Norte, Mountain Province, at Abra.
Nagbabala ang state weather bureau na maaaring maranasan ang malalakas na hangin at pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa susunod na 36 oras.
Pinapayuhan ang publiko na maging handa sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, habang patuloy na binabantayan ang posibleng paglapit ng bagyo sa kalupaan ng Luzon sa mga darating na araw.










