Nakakuha na ng permit ang mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo mula sa Quezon City Government para sa pagsasagawa ng kilos protesta.

Ayon sa Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) na wala silang anumang pagkontra sa pagsasagawa ng mapayapang kilos protesta sa kahabaan ng White Plains Avenue sa Hulyo 1.

Isasagawa ang nasabing kilos protesta mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

--Ads--

May ilang panuntunan din aniya na dapat sundin gaya ng dapat ito ay isagawa lamang sa kahabaan ng White Plains Ave sa Temple Drive, Quezon City.

Wala rin dapat na isarang mga kalsada tuwing isinasagawa ang nasabing aktibidad; magpanatili ng kalinisan at kaayusan sa lugar.

Hindi rin dapat harangan ang anumang pagpapatupad na pagbibigay ng seguridad ng mga kapulisan at mga lokal government.
Mahalaga rin na dapat ay sundin ang mga batas trapiko sa kabuuan ng aktibidad.

Inaasahan na dadaluhan ito ng mahigit na 100,000 na mga participants mula sa INC.

Magugunitang maraming mga manggagawa, motorista at mananakay ang naaberya sa biglaang pagsagawa ng kilos protesta ng INC isang araw matapos na ianunsiyo ng Office of the Ombudsman na kanilang kakasuhan ng plunder si Senator Rodante Marcoleta.