Dagupan City – Nakatakdang daluhan ng mga bigating personalidad ang nalalapit na inagurasyon ni President-elect Donald Trump.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Maria Luna Orth, Bombo International News Correspondent sa USA, isa sa mga inaasahang pupunta rito ay ang mga dating pangulo ng Estados Unidos na sina Barack Obama, George Bush at Bill Clinton.

Dagdag pa sa mga itinuturing na “very important person o VIPs” ay sina former Microsoft CEO Bill Gatesceo, TikTok CEO Shou Zi Chew, representante sa iba’t ibang bansa gaya na lamang ng Saudi Arabia, sa bahagi ng Middle East at iba pa.

--Ads--

Aniya, inaasahan naman na dadagsain ang nasabing inagurasyon dahil na rin sa pag-asa ng mga residente sa bansa sa panunumbalik ng ekonomiya rito at ang muling pagbangon nila sa administrasyong Trump.

Sa kabila nito, nilimitahan naman sa 20,000 bisita ang dadalo sa inagurasyon na nakatakdang ganapin sa loob ng U.S. Capitol Washington, DC. dahil na rin sa inaasahang matinding lamig ng panahon dahil sa wind chill – kung saan ay maaaring umabot sa puntong maaari pang umabot sa freezing point.

Samantala, sa pag-upo naman nito, ani Orth, nakatakda namang niyang pirmahan ang nasa 200 exececutive order sa bansa.

Habang tuloy na tuloy naman aniya ang nakatakdang paglulunsad ng malawakang immigration raid sa Chicago isang araw matapos siyang maupo sa pwesto.

Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni Trump na hindi lamang nito ito itutuon sa Chicago, kundi isasagawa aniya ang operasyon sa buong bansa kung saan makakakita aniya ng mga pag-aresto sa iba pang mga siyudad tulad ng New York at Miami.

Matatandaan na isa sa mga naging sentro ng kampaniya noon ni Trump ay ang paglulunsad na mass deportation ng undocumented immigrants sa Amerika.