BOMBO RADYO DAGUPAN – Bungad sa magandang pagpasok ng 2024 sa sektor ng transportasyon ang pagroll back ng produktong gasolina.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ramon Ramos, Presidente ng Urdaneta Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA), labis nang naapektuhan ang kanilang hanay sa nakaraang patuloy na oil hike kaya naman ay para sakanila, isang buena mano sa mga drayber ang roll back na ito.


Aniya, pambawi din ito sa halos nasa 100 na nababawas sakanila dahil sa nasabing pagtaas ng presyo ng petrolyo at pagsabay pa ng long weekend traffic.

--Ads--


Samantala, humaba naman ang oras ng pagpapasada ng kanilang TODA nitong holiday season dahil sa pagdagsa ng mga mamimili at pagsidatingan ng mga estudyante.


Bilang tugon ng TODA, ani Ramons, nagkaroon sila ng night shift kung saan ay pumapasada sa dakong 8 ng gabi hanggang madaling araw sa kanilang lungsod sa Urdaneta.


Hindi naman naging problema ang bilang ng mga pumapasada sa umaga at gabi at sinisiguro din aniya na ligtas ang mga manananakay sa kanilang mga drayber.


Gayundin sa paniningil ng pamasahe, sinisigurado nilang sinusunod ng mga drayber ang kanilang opisyal na fair matrix at kung sino man aniya ang hindi sumunod ay mapaaptawan ng karamptang kaparusahan.


Dagdag pa ni Ramos, inaasahan naman ngayon araw na pagsalubong ng bagong taon ay mapapaaga ang pag garahe ng mga drayber sa lungsod ng Urdaneta.


Paalala din niya sa mga kapwa niya drayber, ingatan ang kanilang mga pasahero lalo na ay nagsisidagsaan ang pag uwi ng mga tao upang salubungin ang bagong taon. Iwasan din aniya ang pagsamantalahan ang mga ito upang kumita na hindi naman nararapat at labag sa ipinasang fair matrix.