DAGUPAN CITY- Taon-taon nang inaasahan ang Distributed Denial of Service (DDoS) attacks sa iba’t ibang servers ng government agencies sa buong mundo tuwing November 5 dahil sa mahalagang araw ito para sa mga hackers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tzar Umang, Cyber security specialist, ang cyberattacks sa nasabing araw ay simbolikong araw para sa global resistance movement noong World War 1, dahilan sa paglitaw ng maskara ni Guy Fawkes bilang pagpapakita ng pagprotesta ng mga hackers.

Aniya, magdudulot ang nasabing pag-atake ng pahirapang pag-access sa isang apektadong website.

--Ads--

Gayunpaman, hindi naman mahalagang maapektuhan nito ang mga data na nilalaman ng isang website kundi pang-gulo lamang sa mga services.

Marami ang maaaring solusyon para maiwasan ito subalit, inirerekomenda ni Umang na magkaroon ng pag-upgrade sa systems upang magkaroon ng matibay na security ang main server.

Maliban pa riyan, mainam rin ang pagkakaroon ng ‘load balancer’ para sa mas maayos na distribution management ng mga user requests sa isang website at mabawasan ang epekto ng DDoS attack.

Ani Umang, hindi lamang ito dapat isang araw pinaghahandaan at maging daily basis sa gobyerno ang pagpapatatag ng kanilang cybersecurities.