DAGUPAN CITY– Hindi naiwasang sisihin ng panig ng PNP ang nanay ng 4 na magkakapatid na ginawang sex slave ng kanilang 47 anyos na ama.

Ito ang inihayag ni PLt./Col. Rollyfer Capoquian, Officer-In Charge ng San Carlos PNP, matapos nilang iharap sa media ang suspek na itinuturing na Top 1 Most Wanted Person na kinilala nitong si Bonifacio Valerio, may asawa, high school graduate, walang trabaho, at residente ng Brgy. Bogaoan.

Ayon kay Capoquian, ilang taon na naging lihim at pasakit sa pamilya ni Valerio ang ganitong mapait na sitwasyon sa mga biktima dahil tila kinunsinti ito ng kanilang ina.

--Ads--

Paliwanag pa ng opisyal ng matagal ng alam ito ng ina ng mga biktima subalit tila wala itong ginawa upang ilayo ang mga ito mula sa suspek o hindi man lamang nagkaroon ng lakas ng loob na dumulog kaagad sa mga otoridad kahit pa nakapag sumbong na sa kaniya ang kanilang mga anak sa kahalayang ginagawa sa kanila ng kanilang ama.