BOMBO DAGUPAN – “Hindi lamang sa fathers day importante ang pagiging tatay.”

Yan ang binigyang diin ni Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent Trinidad and Tobago kaugnay sa pagdiriwang ng Father’s Day ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ay lagi daw tumatawag at nagmemessage ang kaniyang mga anak tuwing sumasapit ang araw ng mga tatay kahit malayo ang mga ito sa kaniyang piling.

--Ads--

Bilang isang OFW ay napakahirap daw aniya na hindi niya nasusubaybayan ang anak niya araw-araw at nakakausap lamang ito sa pamamagitan ng pagvivideo-call.

Samantala sa bansang kanyang kinaroroonan naman ay simple lang at normal ang pagseselebra ng nasabing selebrasyon. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng mga sales sa mall, gayundin ang mga discounts at mga papromo para sa mga tatay. Hindi man ganoon kadami ang mga aktibidad na kanilang isinasagawa ay nandoon parin ang diwa ng pagpapahalaga sa Father’s day.

Ibinahagi nga rin niya na para sa lahat ng mga tatay sa anumang panig ng mundo dapat ay bigyan aniya ang kanilang mga anak ng kalayaan at huwag masyadong paghigpitan. Ang tamang paggabay at pangaral sa kanila ay siyang makabubuti para sa kanilang kinabukasan.