DAGUPAN CITY- Malaki ang impluwensya ng ilang mga religious groups sa mga Senador upang maipasa ng Senate Bill 1979 o Adolescent Pregnancy Prevention Bill ayon sa National Parent Teachers Association Philippines.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lito Senieto, Vice President ng National Parent Teachers Association Philippines, ang ilan mula sa mga Senador na umatras sa pagsuporta sa nasabing panukala ay tinatawag na mga Political Survivor dahil umano sa impluwensiya ng ilang religious groups, kung saan malaki ang epekto nito sa pagsuporta o pag-atras sa mga panukala.
Aniya, maaari nanang ituro ito depende sa age groups ng mga mag-aaral at kailangan ng matinding pagpaplano upang maging matagumpay ito.
Dagdag niya, dapat nang magkaroon ang Pilipinas ng ganitong mga bagay dahil sa impluwensiya ng mga nakapaligid sa mga batang mag-aaral tulad ng makabagong teknolohiya.
Sa ngayon ay dapat pang pag-aralang mabuti ang inclusions nito upang maipatupad ng maayos.