Dagupan City – Nagresulta ang implementasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagbawas ng taripa sa imported na bigas ng pagkalugi at kawalan ng kita ng mga magsasaka.
Ito ang binigyang diin ni Engr. Rosendo So – Chairman, Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) matapos ipasa ang executive order na nagbawas ng taripa sa imported na bigas mula 35% patungong 15% ay nagresulta sa mas mababang retail prices ng bigas.
Ayon kay So, dapat bago ito ipatupad ay inisip munang mabuti ang ginawang implimentasyon gaya na lamang ng paglalagay ng price range upang mabago ang presyo nito at mapababa sa merkado .
Dahil dito, muling tinalakay ni So na ang pagpapababa ng taripa sa imported na produkto ay hindi nagdudulot ng magandang epekto sa lokal na produksyon ng bansa, kundi, mapapahina lamang nito ang lokal na magsasaka.
Kung sana aniya na ang subsidize na 1.5 hecares sa imported ay ibinigay na lamang sa lokalidad, may posibilidad pa aniya na makamit at magarantiya ang pagbaba ng bigas.
Samantala, sa panahon sa kasalukuyang hanggang sa buwan ng pebrero 2025, inaasahang walang aanihin ang bansa, kung kaya’t ang papasok umano muli sa merkado ay mula sa mga importasyon.
Hinggil naman sa pagdeklara ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng all-out war vs profiteers, smugglers, hoarders, sinabi ni So na bukas ang kanilang samahan sa ganitong layunin partikular na ang layuning matuldukan na ang pagpapahirap sa mga ordinaryong pamilÂyang Pilipino