DAGUPAN CITY- Mahigpit na pagpapaalala ng Department of Health para sa mga magpepenitensya sa Semana Santa na mag-iingat sa maaaring makuhang impeksyon sa matatamong sugat mula sa nakasanayang aktibidad.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV-Department of Health Region I, malaki ang posibilidad na makakuha ng tetano o bacterial infection mula sa mga ginagamit na panghampas sa likurang bahagi ng katawan.
Aniya, kanilang ipinapayo na iwasan na lamang ang ganitong aktibidad sapagkat may mas ligtas naman na paraan upang maipakita ang debosyon sa nalalapit na holy week.
May mga naitatala umano ang kanilang ahensya na mga pasyenteng nagpapagamot dahil sa nakuhang impeksyon mula sa kanilang pagpepenitensya.
Samantala, sa mga nais na magsagawa ng naturang aktibidad, importante aniyang magpakonsulta muna sa doktor para sa kaligtasan. Partikular na dito ang may mga diabetes dahil magkakaroon lamang ng komplikasyon.
Sa kabilang dako, nagpaalala din si Dr. Bobis na agad dalhin sa ospital ang mga nakikitaan na ng sintoms ng pertussis.
Importante aniyang mapabakunahan ang mga batang nasa edad na 6 na linggo hanggang 23 buwan upang makaiwas sa nasabing sakit dahil tanging ito lamang ang maaaring makapag iwas nito