DAGUPAN CITY- Naniniwala ang Bagong Alyansang Makabayan na mas tumibay pa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raymond De Vera Palatino, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan, ang mga dating alegasyon pa rin ang naging batayan subalit, wala naman ipinakitang kasagutan sa kongreso ang bise presidente.

Giit niya, hindi ito kayang depensahan ng bise presidente at mas nadagdagan pa ang mga testimonyang sumasalungat sa panig nito, kabilang ang mga dating staff ni VP Duterte.

--Ads--

Pinasaringan naman ni Palatino ang pag-abot sa isang taon bago patunayan ng kampo ni VP Duterte ang pagkatotoo ni “Mary Grace Piattos”.

Nanawaga naman siya na hindi ibasura ang impeachment complaints at pakinggan ng kongreso ang panawagan ng mga tao.