DAGUPAN CITY- Isang magandang bagay umano sa imahe ng Pilipinas ang pagkakaroon ng tamang proseso ng impeachment complaint laban sa dalawang mataas na opisyal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation, aniya, ipinapakita nito sa iba pang mga bansa na umiiral pa rin ang demokrasya sa loob ng Pilipinas.

Aniya, sa ideyang ito at sa tamang proseso ng batas, makakatulong ito upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa.

--Ads--

Ang lumalaking kurapsyon kase ang nagiging balakid upang makamit ang ninanais ng publiko na maayos na trabaho, magandang kalusugan, at pagtatapos ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

Binigyan halaga naman ni Africa ang pagkakaroon ng tamang proseso sa impeachment complaints nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Kaniyang mungkahi naman ang mapagbigyang magsalita ang iba pang mga tao na nais tumestigo at hindi lamang ang mga alegasyon ni Zaldy Co ang pagbatayan ng ebidensya.

Dagdag pa ni Africa, magdudulot ito ng ‘domino effect’ sa mga maliliit na tiwaling opisyal ng gobyerno kung maging maayos at patas ang proseso ng impeachment complaints.