Hindi umano nasagot o hindi nabigyan ng due process ang pinakahinaing ng mga naghain ng impeachment complaint laban kay Vice president Sara Duterte.

Ayon kay Kiko Dee, Tindig Pilipinas Co-Convenor sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ginagalang naman nila ang posisyon ng senado.

Naging maayos umano ang argumento ng ilang senator at paghimay sa mga umanoy pagkakamali.
Medyo humanga rin siya sa pananaw ni senador Riza Hontiveros gayundin ang posisyon ni sen Chiz Escudero.

--Ads--

Sa ngayon aniya ay susubaybayan muna nila ang motion to reconsideration na inihain ng House of Representatives at ilang grupo na pinoproseso sa korte suprema.

Saad nito na mahalagang hintayin ito para malaman kung ano ang wastong proseso para sa impeachment.

Kaugnay nito, binigyang diin nito na kailangan na magkaroon ng paglilitis dahil naniniwala siya na malakas ang ibidensya nila laban kay VP Sara.

Guilty umano ang pangalawang pangulo at dapat na matanggal sa puwesto.

Dagdag pa niuya na kailangan na matuloy ang impeachment trial, mapresinta lahat na ibidensya at magkaroon ng hatol.

Magugunitang sa ginawang botohan sa Senado ay mayroong 19 na mga Senador ang bumuto na dapat ay isantabi na muna ang impeachment habang mayroong apat ang kumontra at isa ang nag-abstain.