DAGUPAN CITY- Hinaing ng ilang mga grupo na kailangan nang umusad ang mga hain laban kay Vice President Sara Duterte upang agad na umusad ang kaso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liza Maza, ang Presidente ng Makabayan at Former Gabriella Representative, nagkakaisa ang kanilang grupo upang agad na nabigyang aksyon ang kanilang panawagan dahil kaunti na lamang ang kanilang natititrang oras.
Aniya, isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng pagpupulong ang nasabing grupo ay upang mas lalo pang maisulong ang kanilang complaint.
Dagdag niya, walang kailangang hanapin pa ang mababang kapulungan dahil naroon na umano ang ibedeniya at kanilang batayan upang makapagdesisyon mga nasa pwesto.
Kailangan na rin umanong wakasan sa lalong madaling panahon ang mga anomalya ng mga nasa gobyerno.
Umaaasa rin ang grupo na malaki ang magagawa ng kanilang inihaing compliant tungo sa magandang kinabukasan.