Dagupan City – Tila malabong maisakatuparan ang impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, ito’y dahil sa mga ilang kadahilanan. Gaya na lamang ng papalapit na ang Christmas break at ang eleksyon sa 2025.

Dito sinang-ayunan ni Yusincgo ang sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na mukhang kukulangin na sa oras ang paghahain ng kaso dahil mayroong sinusunod ang House of representatives na rules at timeline sa impeachment.

--Ads--

Isa lamang din sa nakikita nitong posibilidad para umandar ang complaint ay ang magiging desisyon ni House Speaker Martin Romualdez dahil sa kaniya nakasalalay kung ano ang mangyayari sa impeachment complaint sa kabila ng naging pahayag ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr na aksaya lamang ito ng oras.

Binigyang diin naman ni Yusingco na hindi nito nakikitaan na para lamang ito sa publicity dahil mukhang ang gustong mangyari ng mga naghain ng complaint laban sa bise ay mabuksan ang mata ng publiko na may ganitong nangyayari sa pamahalaan na hindi sumusunod sa batas at hindi tumutupad sa kanilang constitutional call upang pagdating ng eleksyon ay magkaroon na ng kaalaman ang mga botante sa pagpili ng public servant na kanilang iloloklok.