Kasalukuyan pa ang isinagawang imbestigasyon ng PNP Lingayen sa pagpaslang sa isang bente anyos na nakita ang bangkay na natakpan ng buhangin sa may baywalk.

Kasabay ng kumpirmasyon na ang nakitang bangkay sa Baywalk ay ang nawawalang bente anyos na estudyante ng Pangasinan State University.

Patuloy na inaalam ng Pulisya kung sino ang responsable sa pagpatay at kung paano ito pinatay.

--Ads--

Ang biktima na si Evalend Salting, taga bayan ng Anda ay unang napaulat na nawawala ala siete ng gabi nitong September 23.

Kaugnay nito ay nakatakdang magsagawa ng case conference ang PNP Lingayen para sa mas mabilis na paglutas sa kaso.