Sinimulan na ang imbestigasyon ng City Health office ng lungsod ng San Carlos kasunod ng pagkalason ng anim na magkakamag-anak sa lungsod dahil sa kinain na itlog maalat.
Nagsagawa ng inspection ang Sanitary Division sa bentahan ng itlog maalat sa palengke at hinanapan ng sanitary permit ang mga tindera.
Nahihirapan ang CHO na matukoy kung saan binili ng mga biktima ang itlog maalat na kinain nila
Nais malaman ng mga otoridad kung saan galing ang kinain na itlog maalat upang hindi na madagdagan ang kaso ng food poisoning
Matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ang naranasan ng magkakamag-anak na kumain ng itlgo maalat. Posibleng nakontamina umano ng bacteria ang itlog maalat na kinain ng mag-anak.
Samantala, posibleng maipatupad muli ang ban sa pagkain ng itlog maalat sa oras na mapatunayan na hindi ito ligtas na kainin.
Matatandaan na taong 2014 nang magpatupad ang city health office ng ban sa pagkain ng itlog maalat dahil kaparehong insidente ng pagkalason.