DAGUPAN CITY- Mas papaniwalaan pa umano ni Prof. Roland Simbulan, Chairperson ng Center for People Empowerment in Governance, ang mga isiniwalat na pangalan ni former Department of Public Works and Highways (DPWH) District Eng. Henry Alcantara sa pagdinig ng senado kung sa Independent Commission for Infrastracture (ICI) ito binulgar.

Aniya, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, mas malaya ang imbestigasyon na isinasagwa ng ICI at mas may berepikasyon ito kumpara sa Senado at Kamara.

Giit niya, bagaman dawit sina si Senators Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, at former Sen. Bong Revilla, may pagkakataon na pagtakpan umano ang mga ito sa isinasagawang imbestigasyon ng senado.

--Ads--

Katulad na lamang umano ng ikinikilos ni Sen. Rodante Marcoleta na tila nag-abogado/senador para may protektahan.

Hindi rin kase aniya, buo ang tiwala ng publiko dahil madalas ay wala naman napapanagot at napaparusahan.

Samantala, naniniwala si Simbulan na wala sa Estados Unidos si Rep. Zaldy Co at naghahanap ito ng bansa na walang extradition sa bansang Pilipinas.

Mabigat kase ang kasong kinakaharap nito at maaaring maharap sa kasong plunder.