Tinawag na witch-hunting ng Alliance of Concerned Teachers o ACT ang nangyaring imbestigasyon kahapon na pinangunahan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa hinggil sa umano’y pagrerecruit ng mga guro sa mga estudyante para mapabilang sa makakaliwang grupo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay ACT Teachers Represntative France Castro, sinabi nito na ‘unfounded’ ang naturang akusasyon at kailangan muna itong patunayan ni Dela Rosa bago pagbintangan ang mga guro.
Maituturing na hindi patas at paglabag sa academic freedom ng mga guro kung paniniwalaan kaagad ng komite ni Dela Rosa ang pahayag ng mga witnesses na wala naman aniyang kredibilidad.
Ayon pa kay Castro, iba’t-ibang organisasyon na ang idinadawit sa umano’y recruitment sa mga mag-aaral para sumali sa mga rebeldeng grupo kahit wala naman umanong katotohanan. with reports from Bombo Badz Agtalao