Dagupan City – Isinagawa at itinakda ang serye ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Señor Divino Tesoro sa bayan ng Calasiao mula Abril 23 hanggang Mayo 3, 2026, batay sa inilabas na iskedyul ng mga gawain.

Nagsimula ang programa noong Abril 23 sa pamamagitan ng paglilipat ng imahen ng Señor Divino Tesoro mula sa dambana patungo sa simbahan at sinundan ito ng banal na misa.

Ipinagpatuloy ang mga aktibidad noong Abril 24 sa pamamagitan ng misa, matapos nito, inilipat ang imahen patungo sa pampublikong plaza para sa pampublikong debosyon. Dito ay idinaos din ang nobena at vigil mass.

--Ads--

Ngayong araw naman, Abril 25 hanggang Mayo 1, itinakda ang araw-araw na misa, nobena, kasunod at vigil.

Sa Mayo 2, isasagawa ang misa, nobena, at agad na isasagawa ang prusisyon. Matapos ang prusisyon, ibabalik ang imahen ng Señor Divino Tesoro sa loob ng simbahan.

Sa huling araw ng pagdiriwang sa Mayo 3, isasagawa ang solemn high mass at ibabalik ang imahen ng Señor Divino Tesoro sa kanyang dambana bilang pagtatapos ng mga aktibidad.