DAGUPAN CITY- Ipinagdiriwang ngayong linggo ang National Infection Prevention and Control Week 2024 na nagsimula noong lunes July 8 at magtatapos sa July 14 ng Kagawaran ng Kalusugan kung saan ang tema nila ay “Together we stand against HAI: Protecting Everyone!”.

Kaugnay dito nagbahagi ng mga datos at programa ang Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando sa lalawigan ng La Union sa pangunguna ng Infection Prevention Control Center kung saan tinalakay sa isinagawang Kapihan sa DOH dito ang usaping tungkol sa Health Care Associated Infection o HAI.

Ayon kay Dr. Irish Tangco-Mendoza, ang Chairperson, ng Infection Prevention Control Commitee-Infection Prevention Control Unit sa nasabing ospital, na ang Health Care Associated Infection ay mga impeksiyon na nakukuha 48 hours pagkatapos maadmit ang pasyente sa ospital hindi bago maadmit

--Ads--

Aniya na sa 31 na pasyente na naadmit sa ospital ay nasa 1 ang nagkakaroon nito kung saan kapag ikukumpara sa percentage nasa 3% lang ang nagkakaroon nito.

Dagdag nito na nakukuha ng isang pasyente ito kapag sumasailalim sa mga medical procedure o naoperahan dahil sa pagkakaexpose o contact sa mga contaminated surfaces sa iba’t ibang equipment na nasa ospital na kadalasan ay nagmumula sa mga kamay ng health care workers.

Sa kabilang banda, ibinahagi nito na noong 2016 ay naitatag ang kanilang Komite ukol sa Infection Prevention Control kung saan dito nila ginagawa ang monitoring ng nasabing infection dahil habang binubuo palang ang kanilang unit sa pagdaan ng taon ay dumadami ang nadedetect dito.

Nakapagtala umano sila noong 2022 ng hight number nito na nasa .62% kung saan bumaba ang kaso noong 2023 dahil nagkaroon na sila ng madaming programa ukol dito.