Naka-recover ng dalawang bangkay sa barangay Pared, sa bayan ng Alcala, lalawigan ng Cagayan ang Ilocos Norte Coast Guard personnels.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ens. French Alayon, tagapagsalita ng Coast Guard District Northern Luzon, sa isinagawang joint rescue operation ng mga Ilocos Norte Coast Guard personnel, Philippine Army, Philippine Marine, Philippine Navy, Coast Guard Station Cagayan Personnel at LGU ng naturang barangay ay natagpuang wala ng buhay ang labi ng isang 49-anyos na babae at 45-anyos na lalaki, na parehong residente ng nabanggit na barangay.

Ens. French Alayon, spokesperson Coast Guard District Northern Luzon

Siniguro naman ng kanilang kagawaran na patuloy pa rin ang ibinibigay na tulong sa Cagayan.

--Ads--

Ani Alayon, nagdagdag pa umano ang Philippine Coast Guard headquarters ng mga idineploy na assets at personnel para magbigay tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Binigyang diin din nito na trained at specialized ang mga pinapadalang personnel sa pag-rescue ng mga kababayang stranded sa kanilang mga tahanan.