DAGUPAN CITY – Maaaring dalhin ng isang illegitimate child ang apelyido ng kanyang ama sa bisa ng RA 9255 o ang Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father. Ito, gayunpaman, ay higit na nakasalalay sa petsa ng kapanganakan at taon ng bata, gayundin sa pakikipagtulungan at pagpayag ng ama na dalhin sa kanyang anak ang kanyang apelyido.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Charice Victorio, Resource Person Duralex Sedlex nakabatay ang mga ito sa foundation rules ng family code sa paggamit ng surname, kung saan nakasaad dito ang pwedeng gumamit base sa family relations.

Aniya na kung ang isang bata ay legitimate child ay magagamit nito ang apelyido ng kaniyang ama habang kung ito naman ay illegitimate o born out of wedlock ay kailangang gamitin nito ang apelyido ng kanyang ina habang ang field ng middle name niya ay naiwang blangko.

--Ads--

Dahil hindi dapat ibigay sa bata ang middle name ng ina dahil lalabas na magkapatid sila.

Ito ay maaaring magdulot ng mga problema sa kanilang mahahalagang transaksyon tulad ng kapag ang bata ay nakakuha ng pasaporte o nag-enroll sa paaralan.

Samantala, maaari naman nitong gamitin ang surname ng ama kung in-acknowledge o ni-recognize ito bagamat sa birth certificate ng bata ay mayroong acknowledgement affidavit na nakalagay doon.

Subalit kung hindi naman pumayag ang ama at nais habulin ng ina ng bata o ng anak mismo ay maaaring magfile ng petition for recognition sa korte.

Maaari itong gawin ng ina ng bata kung menor de edad palang ang anak subalit kapag nasa tamang edad naman na ito ay maaaring siya na mismo ang gumawa ng nasabing hakbang.