Dagupan City – Nararanasan ngayong ng ilang tricycle driver dito sa bayan ng San Fabian ang pahirapang pamamasada dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng nagdaang bagyo at habagat.
Alas sais ng umaga ng nagsimulang dumatin sa kanilang paradahan si Nestor Imasa, tricycle Driver mula sa Tempra-guilig TODA ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang naisasakay na pasahero.
Aniya na mahirap ngayon makakuha ng pasahero dahil sa ulan ngunit nagtatyaga na lamang itong mag-antay dahil inaasahan na bandang alas 8 hanggang 10 ay magsisidating na ang mga namamalengke.
Saad nito na kapag ganitong panahon ay maswerte na kapag nakakakuha ng 250 to 300 pesos ngunit kapag mahina ay nasa 150 pesos lamang na mababawasan pa ng panggasolina.
Hindi lamang si Mang Nestor ang nakararanas nito kundi pati na rin si Rey Estacio mula naman sa Rabon Bigbiga Gumot TODA na kapag ganitong panahon ay kakaunti ang namamalengke ngunit inaasahan kapag naging maaraw ang panahon ay lalakas ang kanilang pasada..
Ginagawa lamang niya ang pamamasada bilang part time kapag tapos na ang kanilang ginagawa sa bukid upang may dagdag na kita para sa kanilang pamilya.
Saad nito na mabuti na lamang na maaga pa lamang ay may naging pasahero na ito ngunit ngayon ay nag-aantay pa siya ng karagdagang pasahero upang may kitain at magamit sa pang-araw-araw.