Pansamantalang isinara ang Ilang tanggapan ng Provincial government matapos magpositibo sa covid 19 ang ilang empleyado.
Mga APOR, frontline workers, locally stranded individual, at mga direct contact ng mga nagpositibo.
Kabilang dito ang tatlong pulis na nakadeploy sa kapitolyo at pitung empleyado ng provincial government.
90 percent umano sa mga pasyente ay mga asymptomatic.
Sumatotal, pumalo na sa 903 ang kaso ng COVID-19 dito sa lalawigan matapos makapagtala kahapon ng 24 na panibagong kaso.
Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO) nasa 717 na ang naitalang kaso sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan habang 186 sa lungsod ng Dagupan.
Ito ay kinabibilangang ng 518 na recovered cases, 353 na active o mga nakaconfine sa pagamutan habang 32 na ang nasawi matapos magtala ng 2 namatay kahapon mula sa bayan ng Mapandan at Mangaldan.




