DAGUPAN CITY- Binalaang kukumpiskahin at huhuliin ng Task Force Anti-littering dito sa lungsod ng Dagupan ang mga sidewalk vendors na hindi tatalima sa nakalaang linya ng mga pwesto sa ilang pamilihan sa lungsod.
Mapapansin na umaliwalas at naging maayos ang daanan sa parte ng Nueva malapit sa Malimgas Public Market dahil binisita at tinutukan ito ngayong araw ng nasabing grupo kasama ang Public Order and safety Office, Barangay Tanod ng Barangay II & III at Market Division.
Ayon kay Jaime “Jong” Serna Jr. ang pinuno dito na bahagi lamang ito ng pagpapatupad ng kanilang tungkulin upang mapaluwang ang mga daanan ng sasakyan at mamimili sa lahat ng sidewalk sa lungsod.
Maari na aniya silang manghuli ng mga matitigas ang ulo lalo na ang mga lumagpas na paninda sa nakatalagang linya ng kanilang puwesto ngunit hindi pa sila magpapatupad ng penalty dahil pag-uusapan pa ito ng kina-uukulan.
Saad niya na wala namang nagreklamo sa kanilang ginawa ngayong araw kung saan sumunod naman sila pero inaasahan na araw-arawin na nila ang pagbabantay o pagmomonitor para hindi lamang sa umpisa dahil layunin nilang malinis ang mga ito upang hindi na maging problema sa hinaharap.
Samantala, buong puso namang tumalima sina Jenica Zabala at Ruth Bajade na parehong vendor dito dahil kung hindi sila susunod baka mawalan sila ng pwesto at wala pa silang pagkakitaan.
Pinuri naman nila ang ganitong hakbang dahil naging mAaaliwalas itop at hindi na nakakaperwisyo kung may siksikan sa daan lalo ngayong nagsisimula na ang maulang panahon.