Inanunsiyo ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na matagumpay ang kanilang dalawang araw na transport strike upang muling tutulan ang Public Transport Modernization Program (PTMP) ng pamahalaan.

Ayon kay Mody Floranda, presidente ng PISTON, inasahan na nila na maliitin ng gobyerno ang nasabing hakbang pero ang kanilang pagkilos ay halos nakapagparalisa ng 90 percent ng mga sasakyan sa may National Capital Region at halos 80-85 sa ibang rehiyon sa bansa.

Kitang kita sa aktuwal ang malaking paralisasyon dahil maraming pasahero ang nasa lansangan at maraming truck ang ipinadala para salibreng sakay.

--Ads--

Ang dalawang araw na pagkilos ay panimula lamang umano at magkakaroon pa ng serye ng mga pagkilos bago matapos ang taong 2023 hanggat hindi tuwirang pinapakinggan ng administrasyong Marcos ang kanilang kahilingan.

Sa kasalukuyan, majority pa rin nagsi serbisyo ay mga traditional jeepneys at hindi nila nakikita na marami ang nagcomply sa programa.