Walang humpay na reklamo at paghihimutok ang karamihan sa mga Pangasinense sa kasalukuyan lalo na sa mga bigong makatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Tulad na lamang ng isang concerned citizen mula sa brgy. Lelemaen sa bayan ng Manaoag, malaking tulong sana aniya ang 5,500 pesos na kanilang makukuha lalo pa’t hindi naman marangya ang kanilang pamumuhay ngunit sa kasamaang palad, bigla na lamang hindi napasama ang pangalan nila sa listahan.
Hindi man lang aniya ipinaliwanag sa kanila mismo ng mga kaharap nilang opisyales kung bakit bigla na lamang silang tinanggal sa listahan ng SAP benefeciaries.
Dahil sa hirap ng buhay ngayon, pinagkakasiya na lamang nila ang mga relief goods na kanilang natanggap bilang pantawid gutom at napipilitang mangutang sa kanilang kapit bahay.
Samantala, nagrereklamo rin ang ilang PWD at residente ng Sitio Purok Pagkakaisa sa barangay Bonuan Gueset sa lungsod ng Dagupan dahil hindi sila nakatanggap ng first wave ng payout mula SAP.
Maliban sa pwd lahat sa purok pagkakaisa ay walang nabigyang mga pwds na nasa 20 pamilya.
Pinangakuan naman sila na priority ang mga pwds sa second wave.
Nanawagan naman sila sa DSWD na tignang mabuti kung sinong dapat bibigyan ng ayuda.