Dagupan City – Nananatiling lubog pa rin sa baha ang brgy. Lasip sa bayan ng Calasiao.

Ayon sa residenteng si Librada Uson, sanay na sila at hindi na bago ang pagtaas ng lebel ng tubig sa lugar.

Kung kaya’t kapag nangyayari tio ay wala rin umanong nagtangkang lumikas kahit na ang ilang parte sa nasabing brgy. ay abot hanggang bewang ang baha.

--Ads--

Aniya, mas mababa pa nga umano ito kung ikukumpara noong mga nakaraang taon.

Ayon naman sa bangkerong si Condrado Valdos, kumikita sila sa mga pagkakataong maraming kailangang tumawid sa kabilang brgy. Gaya na lamang ng biglaang pagtaas ng tubig kahit na wala ng bagyo, dahilan para hindi nila mapaghandaan ang pagsasaayos o pagsasalba ng kanilang mga gamit.

Pagsubok naman para sa kanila ang pagsasakay ng mga pasahero at pagbabalanse nito.

Dahil maliliit lamang ang mga bangka, madali lamang itong tumaob o tumagilid kung mawalan ng balanse.

Ang kanilang pamasahe naman ay pumapatak sa 20 pesos bawat pasahero, at ang isang bangka ay maaaring magsakay ng 3-5 pasahero.