BOMBO DAGUPAN- Bagama’t umalma na ang Bulkang Taal, nananatili pa ring nasa Alert Level ang Batangas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Henry Peña Atienza, residente ng Tagaytay City, dakong 2:30 ng hapon nang magkaroon ng magbuga ng makapal na itim at puting na usok ang nasabing bulkan.

Araw araw man aniya nila itong nakikitang umuusok subalit higit na malaki ang usok na ibinuga ng bulkan ngayon.

--Ads--

Aniya, ilang kilometro lamang ang kanilang layo mula sa bulkan kaya nagbibibgay ito ng pangamba sa kanila na maaari itong sumabog.

Maaari kase aniya silang matamaan ng mga bato mula sa pagsabog at maapektuhan ng makapal na ash fall.

Gayunpaman, sanay na umano sila sa aktibidad ng bulkan, dahil nakapagtala na rin ito ng ilang pagputok noong mga nakaraang taon.

Samantala, nakaantabay naman ang kanilang City Government sa anumang maaaring mangyari.

Sa tulong ng kanilang alkalde, nakahanda na din sila sa anumang aksyon sa oras na pumutok muli ang bulkan.

Ayon naman kay R-Jay Enriquez, residente naman ng Laurel, Batangas, hindi pa nakakaapekto sa kanila ang naging aktibidad ng bulkan.

Subalit, patuloy aniya silang nag-iingat at naghahanda ng mga kagamitan kung sakaling magtaas ng kautusan ng evacuation ang kanilang lokal na pamahalaan.

Hindi din kase umano nawawala ang takot sakanila lalo na’t huli itong pumutok noong taong 2020.