DAGUPAN CITY–Umaabot na sa 58 barangay ngayon ang nakakaranas ng pagbaha sa lalawigan ng Pampanga bunsod ng nararanasang pag-ulan dulot ng Habagat.


Ang mga binabahang barangay ay nagmula sa mga bayan ng Sasmuan, Apalit, Lubao, Masantol, Macabebe, at Bacolor.


Hindi pa rin madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang Maliwalu Bridge sa bayan ng Bacolor habang light vehicles lamang ang maaring dumaan sa Sto Nino Road at Kalsadang bayu sa bayan ng Masantol.

--Ads--


Dahil sa pagbaha ay may ilang residente sa Brgy Tinajero sa bayan ng Bacolor ang nananatili ngayon sa evacuation center.