Tuluyan nang ipinagbawal sa lalawigan ng Pangasinan  ang ilang produkto ng Mekeni Food Corporation matapos  makumpirmang  nagpositibo sa African swine fever.

Ayon kay engr. Rosendo So, chairman ng  Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG  sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, layon nitong maprotektahan  ang mga lokal industry  sa lalawigan.

Giit ni So na lahat ng papasok na mga processed at canned goods ay kukumpiskahin   na upang maiwasan na kumalat ang  ASF. Dahil dito kailangan aniyang paigtingin pa ng mga LGUs ang checkpoints.

--Ads--

Samantala, hinimok niya ang mga   local producers na gumawa na lamang ng sariling produkto para tiyaking ligtas sa ASF. Negatibo aniya ang mga produkto na  galing sa local producers dahil tiyak na dumaan ito a test .

Bagama’t hindi nakaaapekto sa kalusugan ng tao ang ASF, matindi ang epekto nito sa mga baboy na maaaring makaapekto sa lokal na industriya ng pagkakarne.