May halong pangamba at bagong pag asa ang nararamdaman ng mga mamamamayan ng Russia at ilang pinoy worker doon kasunod ng pagkakagawa ng bakuna laban sa Corona Virus disease o Covid-19.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Nico Castor, Presidente ng Filipino Association in Russia, sinabi nito na hindi nila maialis ang pangamba dahil unang una ay hindi pa ito nagagamit o nasusubukan sa maraming tao.
Pero marami rin ang nagtitiwala sa nasabing bakuna dahil isa ang Russia sa mga magaling sa usapin ng medisina.
Malaki umano ang pondong ginamit sa pag aaral at sa gamot sa virus.
Matatandaan na ang Russia ang kauna unahan na nagdeklara ng bakuna laban sa Corona virus disease o covid-19.
Samantala, katulad sa ibang bansa, may mga OFW sa Russia ang nais na ring umuwi sa Pilipinas dahil nawalan sila ng trabaho doon.