DAGUPAN City—Maaring ilipat sa pribadong kuwarto ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 basta ikinokonsiderang isolation room.

Ayon kay Provincial Health officer Dr. Ana Marie de Guzman, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan na isang napakagandang hakbang na gawin ng mga ospital ay gawing isolation room ang kanilang mga payward para sa mga magpopositibong PUI.

Sa kasalukuyan ay pinapaconvert bilang isolation room ang mga private rooms ng 14 na ospital dito sa lalawigan ng Pangasinan.

--Ads--

Una rito isang pasyente na hinihinalang PUI ang nagtungo sa Region I Medical center.

Habang hinihintay ang resulta, ang pasyente ay dapat nasa isolated na lugar dahil ito ay isa nang PUI pero dinala siya sa payward sa second floor kung saan naroon ang ibang pasyente, mga doktor at nurses.

Ito ang nag udyok para mag panic ang mga pasyente sa loob ng pagamutan dahil sa pangamba na sila ay mahawaan ng virus.

Nabatid na ang naturang pasyente na kamag-anak ng isang kilalang doktor ay nagpositibo sa COVID-19 base sa inilabas na resulta ng pagsusuri .