Binaha ang ilang pangunahing kalsada sa lungsod ng Dagupan matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat at bagyong Opong.
Apektado ang mga low-lying areas kung saan hindi na madaanan ang ilang kalsada dahil sa mataas ng tubig.
Base sa datos ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 7.50 meters above sea level ang tubig sa Sinucalan River kung saan lagpas na ito sa critical level.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang lungsod ay nasa mababang bahagi ng lalawigan at nagsisilbing catch basin, kaya bumabagal ang pagbaba ng tubig galing sa karatig na mga mataas na lugar.
Patuloy naman ang isinasagawang monitoring ng pamahalaang panlungsod para tukuyin ang mga lugar na lubhang binabaha at pag-aralan ang mga posibleng solusyon sa paulit-ulit na pagbaha sa lungsod.