Suspendido ang klase sa ilang paaralan dito sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw dahil sa kasalukuyang kondisyon ng panahon dulot ng Bagyong Florita.
As of 1:00am, inanunsyo na suspendido ang klase sa lahat ng level sa Dagupan City, Bugallon, Mangatarem, Urdaneta City at Rosales.
Habang preschool hanggang highschool naman ang sinuspindi ang klase sa bayan ng Bolinao, Anda, Bani, Alaminos, Sual, Labrador, San Carlos City, Basista, Bayambang , Bautista, Alcala, Malasiqui, Santa Barbara, Mangaldan, San Fabian, San jacinto, Manaoag, Villasis, Santo Tomas, Balungao, Santa Maria, Asingan, Laoac, Pozorrubio, Sison, Binalonan, San Manuel, Tayug, Umingan, San Quintin, Natividad at San Nicolas.
Una rito ay maagang nag-anunsyo si Dagupan City Mayor Belen Fernandez ng kanselasyon ng mga klase sa Lahat ng antas parehong pampubliko at pribadong paaralan at pagsususpinde ng trabaho sa lahat ng institusyon ng gobyerno sa loob ng lungsod ngayong araw dahil sa bagyo.
Samantala, nagsagawa ng pre disaster risk assessment ang PDRRM Council upang tiyaking nakahanda ang mga first responders sa posibleng epekto ng bagyong Florita sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa direktiba ni PDRRMC Chairman at governor Ramon Guico III; Ang PNP, ARMY, PCG, BFP at iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ay nag tipon-tipon upang paigtingin ang mga paghahanda sa bagyo at siguraduhin ang kaligtasan ng lahat ng Pangasinense.