DAGUPAN CITY- Isang problema ngayon sa ilang mga paaralan sa lalawigan ng Pangasinan ang paghahabol ng mga aralin matapos ang tuloy-tuloy na naranasang pagbaha.
Ayon kay Lito Senieto, Vice President ng National PTA Philippines, partikular na sa bayan ng Calasiao, halos 2 talampakan ang itinaas ng pagbaha dahil lamang sa tuloy-tuloy na pag-ulan, habang kasabay ng high tide sa syudad ng Dagupan.
Aniya, may ilan paaralan na magkakaroon ng selective classes habang humuhupa ang nararanasang pagbaha.
Gayunpaman, may paaralan naman na halos bumabalik na sa normal, maging ang mga attendance ng mga mag-aaral.
Subalit hindi pa rin nakakapagtala ng full attendance ang ilang paaralan, bagay na makakaapekto sa pagkatuto ng mga estudyante.
Magiging pahirap naman sa mga pampublikong paaralan ang pagpapatupad ng matatag curriculum ngayon tuloy-tuloy ang ganitong nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan.
Dahil sa kulang-kulang na materyales, nahinto rin ang mga mag-aaral na matuto nang magkaroon ng class suspensions.
Nakasaad din kase umano sa isang momerandum na hindi maaaring magbigay ng assignments ang mga estudyante para makapagpahinga ang mga ito.
Kaya ani Senieto, problema ngayon ang paghahabol ng mga aralin dahil hindi rin ginugusto ng mga magulang ang pagkakaroon ng saturday classes.
At para makapahabol ang mga mag-aaral, kailangan maglaan ng kaonting oras ang mga ito sa bawat subject.