Ginawaran ng komendasyon ang ilang opisyal ng Pangasinan Police Provincial Office para sa kanilang accomplishments kasabay ng pagdaraos ng ika-30 anibersaryo ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw February 15, 2021 sa Magilas Building ng Pangasinan PPO sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.
Highlights ng seremoniya ang paggawad ng commendation sa mga napiling deserving na opisyal ng Pangasinan PNP para sa kanilang accomplishments sa anti-illegal drugs at firearms operation para sa buwan ng Enero sa taong kasalukuyan.
Kabilang sa nagawaran ng letter of commendation sina Dagupan City COP P/LtCol Louise Benjie Tremor, PCpl Joseph Bautista, PMaj. Gilbert Ferrer, PSSg Edward Santos, PLtCol Franklin Ortiz – COP ng San Carlos City, PLtCol Vicente Castor Jr.- Urdaneta City COP, PMaj. Noel Cabacungan, PMajor Benjamin Zarate at PMajor Napoleon Eleccion.
Nakasentro sa temang “Kakampi mo laban sa Pandemiya, Iligal na Droga, kurapsyon at terorismo” ang pagdiriwang ng anibersaryo ng PNP ngayong taon.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Pangasinan PPO Provincial Director P/Col. Ronald Gayo na hangarin ng pagdiriwang na mapasalamatan ang mga bayaning pulis sa kanilang sakripsiyo lalo na ngayong pandemiya.
Aniya, asahan ang isang makabagong PNP dahil patuloy ang pagsasagawa ng moral enhancement seminar para sa kapulisan gayundin ang nagpapatuloy na launching ng KaSimbaYanan sa buong probinsiya dahil ang layunin nito ay para sa pagbabago ng kapulisan sa tulong ng mga religious leaders.