DAGUPAN CITY– Nagpaliwanag ang ilang opisyal ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag Church, hinggil sa pagbaba ng bilang ng mga nagtutungo sa naturang simbahan.

Ayon kay Father Anthony Eudela, Prior of Minor Basilica of Our Lady of Manaoag Church, kung pag uusapan ang mga dumarayong turista at deboto sa kanilang simbahan, meron man o wala ang mga ganitong uri ng balita tungkol sa kanilang lugar, apektado pa din ang kanilang bilang dahil ang buwan ng Hulyo at Agosto ay maituturing na low months bunsod na rin ng pagkakaroon ng malalakas at madalas na pagpasok ng bagyo at habagat.

Hindi naitago ng opisyal ang pagkaramdam ng halu-halong emosyon sa suliraning kinakaharap ngayon ng kanilang lugar.

--Ads--

Aniya, masaya siya na nakikita niya ang masidhi at malalim na pananampalataya ng taumbayan sa halip na takot ang manahan.

Father Anthony Eudela, Prior of Minor Basilica of Our Lady of Manaoag Church

Gayunpaman, hindi din maalis ang pangamba dahil alam nito na sa mga panahong dagsaan ang tao sa simbahan ay may posibilidad din na doon biglang sumalakay ang mga kalaban kung kayat upang ito’y maiwasan at mapag handaan, dapat na maging mentalidad ng publiko ay “Everday is Always an Alert Day for Minor Basilica”.