DAGUPAN CITY– Humihingi ng tulong ngayon ang ilang online reseller ng face shield matapos mabiktima ng online scam sa bayan ng San Fabian dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Hindi bababa sa 1,000 face shield ang order ng mga biktima na ibinigay sa halagang P28 ang kada isa .

Agad umanong nagtiwala ang mga online resellers dito dahil nagpakita ito ng kaniyang pagkakakilanlan.

--Ads--

Pagkapadala umano nila ng bayad dito ay nablock na ang fb nito at hindi rin dumating ang kanilang mga orders.

Agad namang ipinatawag ang may ari ng fb account na gamit ng suspek na si Hazel Kaye Verceles pero iginiit nito na 2019 pa nang na-hack ang account nito.

Nais naman ng mga biktima na maibalik ang perang kanilang pinagpaguran .