Dismayado umano ang ilang mga Oversease Filipino Workers (OFW) matapos malaman ang paglabas ng bagong circular order kung saan ay 3% ang itataas ng kanilang premuim contribution ng Philheath at magiging mandatory na rin umano ito.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rommel Principe, pinoy nurse sa New Zealand, sinabi nito na masama umano ang loob nito dahil mandatory umano ang pag-oobliga sa kanilang mga OFW sa pagbabayad ng pinataas na kontribusyon at sa tingin nito ay parang dagdag tax lamang ito para sa kanila na hindi naman umano nakakatamasa ng serbisyo ng pamahalaan dahil nasa labas naman sila ng Pilipinas.

Hirit ng mga pinoy doon, nataon pa umano ang paglabas ng nasabing order sa kabila ng krisis na kinakaharap ng ating mga OFW sa buong mundo sa coronavirus disease.

--Ads--

Samantala, nalaman na lamang umano nito ang nasabing impormasyon sa kanyang kaibigan at sa pamamagitan na rin ng programang Doctor Bombo kung saan siya ay nakapanayam kahapon dahil aniya ay marami pa umanong ofw doon ang hindi pa nakakaalam tungkol sa nabanggit na kontribusyon.