Ikinagulat ng ilang mga Pilipinong nanunuluyan ngayon sa bansang Japan ang biglaang pagbibitiw ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe hinggil sa kaniyang kalusugan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa mag-asawang Roy at Sherryl Villegas mula sa Saitama, Japan, kanilang inalala ang mga magagandang nagawa ni Abe partikular na sa paglago ng kanilang ekonomiya.

Kanila rin itong hinahangaan sa kasipagan sa pagtugon nito sa kaniyang serbisyo dahil simula umano ng maupo ito sa puwesto ay hindi pa ito lumiban sa trabaho ni minsan.

--Ads--

Samantala, nalulungkot din ang mga mamamayan ng Japan at mga Filipino Community sa biglaang pagbaba sa puwesto ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sa ekslusibomg panayam naman ng Bombo Radyo Dagupan kay Kent Paña, English Teacher at pastor sa Gifu prefecture, Central Japan , mahal ng mga OFW si Abe dahil may mga programa itong nagproprotekta sa foreign population.

Katunayan, naglabas ang Japanese government ng stimulus na 100,000 bilang suporta sa mga tao at Filiipino community sa panahon ng pandemya.

Inaasahan na nila ang mga pagbabago sa hinaharap dahil tiyak na may ibang agenda ang susunod na prime minister.

Si Paña ay 20 taon nanungkulan sa Japan.