Nagpapasalamat na ligtas na nakauwi sa bansa ang mga OFWs na nagtratrabaho sa Afghanistan.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rolie Omega Pendon, isang OFW na nakauwi na sa Pilipinas mula sa bansang Afghanistan, masayang masaya ang kanyang pamilya dahil ligtas na nakauwi sa kanyang pamilya sa lungsod ng Bacolod.

Kwento nito, noon pa man ay nagkaroon na sila ng vision na magkakaroon ng gulo sa nasabing bansa matapos magbigay ng mensahe noon si US president Joe Biden na tanggalin ang mga US forces sa nasabing bansa. Doon na aniya sila kinabahan na wala na silang seguridad at kailangan na nilang umuwi.

--Ads--

Nagkatotoo aniya ang kanilang pangitain na dinaan pa sa biruan ng kanyang mga kasama.

Nagpapasalamat naman ito na hindi pa kalala ang situwasyon nang matapos ang kanilang operation noong JUne 28. Nang sumiklab aniya ng gulo nitong Agosto ay nagpasya na silang umuwi noong August 14.

Rolie Omega Pendon, OFW sa Afghanistan

Samantala, umaasa ang nasabing OFW na may kompanya sa bansa o sa abroad na puwedeng tulongan ang mga umuwing OFW na nawalan ng hanapbuhay upang muling makapagtrabaho. Ipinapanalangin din niya ang kaligtasan ng mga kapwa pinoy at mga mamamayang Afghanistan.