DAGUPAN CITY–Lugi ang mga nagtanim ng mais sa bayan ng San Fabian Pangasinan matapos tamaan ng peste .

Ayon sa Municipal Agriculture Office, hindi pa matukoy kung anong uri ng peste ang tumama sa maisan.

Dahil dito, bagsak presyo ang bentahan ng mais.

--Ads--

Ayon sa monitoring ng Agriculture office, nasa P13 hanggang P14 ang kada kilo ng bentahan ng mais mababa kumpara sa dating mahigit P20 per kilo.