Sobrang nalugi ang ilang mga magsasaka ng Sibuyas sa bayan ng Bayambang dahil sa pag-atake ng Harabas at Onion Twister Disease na nagiging dahilan ng pagkabulok ng mga ito.

Ayon kay Chit Junio isa sa mga may-ari ng sakahan ng sibuyas mula sa Brgy. Manambong Norte, napilitan lamang silang mag-ani kahapon dahil sa labis na naapektuhan ang kanilang mga tanim at baka lumalala pa ito kung patatagalin.

Aniya na sobra silang nalugi at hindi pa man din nakakabawe mula sa nakaraan na anihan.

--Ads--

Dumating rin sa punto na wala silang na-ani sa isang ektarya dahil nasira lahat ang mga tanim dito.

10 ektarya ang kanilang sakahan at umaabot ang kanilang gastos sa P350,000 sa isang ektarya.

Ngunit, P180,00 lamang ang kanilang napagbentahan sa isang ektarya.

Kahit papaano naman ay may mga bumibili pa rin ngunit mas mababa na ang presyo kumpara sa inaasahan.

Nadismaya rin sila dahil nalugi na nga sila sakanilang ani sa mga nakaraang taon at sa storage o ang paglalagay o pagtatago ng mga inaning sibuyas at saka na lamang ito ilalabas sa oras na tumaas ang presyo nito kagaya na lamang sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre ngunit hindi na rin ito tumaas.

Dagdag pa niya na labis silang nahirapan dahil hindi kaya ng mga gamot na inilalagay nila ang mga ganitong klase ng sakit ng sibuyas.

Samantala, tinututukan naman ng Municipal Agriculture ang mga magsasaka kung saan ay nagbibigay sila ng mga libreng gamot ngunit hindi rin ito sapat.